Lumipat ng English

Paano simulan ang paggamit ng SPLAT

  1. Android 5.1 (Lollipop) o mas bago / iOS 11 o mas bago.
    • Kung ang iyong device ay tumatakbo sa hindi suportadong bersyon na OS, hindi mo mahahanap ang app sa store.
  2. Hindi bababa sa 100 megabytes na libreng storage sa telepono.
  3. Isang aktibong koneksyon sa internet (para sa unang beses na pag-setup at pag-sync ng data)
  4. Kapiraso na papel mula sa guro o paaralan na naglalaman ng mga detalye ng SPLAT Family app.
  5. Ang Learner Reference Number (LRN) ng iyong mag-aaral.
    • Ang LRN ay matatagpuan sa nakaraang report card o SF9.
    • Kung wala kang access sa anumang nakaraang report card, mangyaring makipag-ugnayan sa guro ng iyong mag-aaral.
  6. Ang iyong code para sa SPLAT. (Ito ay kasama sa ipinamahaging kapirasong papel)

  1. Buksan ang Google PlayStore app para Android o sa AppStore para sa gumagamit ng iOS
  2. Hanapin ang SPLAT Family. (Why can't I find the SPLAT app in Play Store / AppStore?)
  3. I-tap SPLAT Family mula sa mga resulta
  4. I-tap the 'Install' button
    • Mga link upang mag-download ng app: Anroid, iOS

  1. Buksan ang iyong SPLAT Family app.
  2. Piliin “Philippines” bilang iyong bansa.
  3. Piliin ang wika na gustong gamitin
  4. Piliin ang “Start Enrollment” o “Simulan ang pagpapatala”
  5. Basahin ang “Mga bagay na dapat mong malaman para sa pagrerehistro”
  6. I-tap ang “Continue” o “Magpatuloy”
    • Para sa mga mag-aaral
      • Piliin ang “Iam a learner/student” o “Ako ay mag-aaral”.
      • Ilagay ang iyong panganlan at apelyido sa naangkop na patlang.
      • Ilagay ang iyong 12 numerong LRN.
      • Ilagay ang 4 na numerong code mula sa pirasong papel na ibinigay ng iyong guro o paaralan.
      • I-tap ang “Continue” o “Magpatuloy”.
    • Para sa magulang
      • Piliin ang “I am parent/guardian” o “Ako ay magulang/tagapag-alaga”.
      • Ilagay ang iyong panganlan at apelyido sa naangkop na patlang.
      • I-tap ang “Continue” o “Magpatuloy”.
  7. Mag-sign in gamit ang iyong paraan at ilagay ang iyong mga kredensyal kapag sinenyasan.
    • I-tap ang Google icon para gamitin ang iyong gmail account.
      • Piliin ang iyong gustong Google account.
    • I-tap ang Facebook icon para mag-login gamit ang iyong Facebook account.
      • I-tap ang ' MAGPATULOY BILANG [FACEBOOK NAME] '.
    • I-tap ang ' Gumawa ng SPLAT account ' gamit ang isang aktibong email.
      • Ilagay ang iyong email address.
      • Lumikha ng password para sa iyong SPLAT account. TANDAAN Basahin ang mga kinakailangan sa password sa ibaba.
      • Ipasok muli ang iyong password para sa kumpirmasyon.
      • Ilagay ang verification code na ipinadala sa iyong email.
      • I- tap ang “Verify” o “I-Verify”.
  8. Kung ipinapakit, basahin at sumang-ayon sa “Tuntunin sa Paggamit”.
  9. Kung ipinapakit, basahin ang Data Privacy Policy. Sa ilalim, i-tap ang checkbox upang markahan at i-tap ang “Agree” o “Sang-ayon”.
  10. I-set up at muling ipasok ang PIN ng iyong account. Tandaan: Ang SPLAT ay naglalaman ng kumpidensyal na impormasyon ng mag-aaral at sumusunod sa Data Privacy Act, RA 10173 . Mangyaring iwasan ang paggamit ng mga PIN na madaling ikompromiso, tulad ng 0000 o 1234.